Martes, Setyembre 22, 2015

"Limos na Pera sa Mahirap? O Pagkaing Masarap!"

          Naisipan ng mga mag-aaral na gawin ang adbokasiyang ito sa kadahilanang dumadami na ngayon ang mga kabataan na nagkalat sa lansangan at humihingi ng limos. Nakuha and ideyang ito sa isang viral video ng isang grupo ng kabataan na nagwawala dahil sa pamamalimos sa isang mall.

         


          Sa batas, pagmumultahin ng limang daang piso ang sinumang nahuling namamalimos gayundin ang kanilang magulang. Kulong din ng 2 taon ang menor de edad at apat na taon sa magulang. Bente pesos naman ang multa sa magbibigay ng limos. 



               Kaya naisip ng mga mag-aaral na imbis na magpalimos ng pera sa mga batang lansangan ay bigyan na lamang sila ng pagkain ng may pagkukusa at hindi na kailangan pang hingian.


 

 “Limos na Pera sa Mahirap? O Pagkaing Masarap!”. Hindi ba mas ayos na bigyan na lamang ang mga namamalimos ng pagkain imbis na pera? Dahil pag pera ay maari pang sa masamang bagay mailaan ng namalimos ang pera, maaaring ipag-rugby, yosi, o kung ano-anung masama sa katawan. Kapag pagkain naman ay nakakasiguro ka na hindi sa masama mapapapunta ang iyong binigay at malalamnan pa nito ang tiyang kumukulo na sa gutom.





Ang inaasahang resulta ng proyekto ay imbis na pera ang ibigay ng mga tao sa mga batang lansangan ay pagkain na lamang, makita ang mga batang nabigyan ng pagkain at nakausap na nagsisikap at nagtatrabaho para sa ika-uunlad ng sarili, at mabigyan ang higit na 30 batang lansangan ng pagkain at inumin.

 

Inaasahan din na isasabuhay ng mga bata ang natutunan nila mula sa mga pangaral ng mga mag-aaral sa kanila, at iiwasan na ang pamamalimos.



                Nagsimula ang pagsasagawa ng adbokasiyang ito sa isang maikling panalangin na humingi ng gabay at na mabigyan ng magandang resulta ang aming isinagawang proyekto.




           Pagkatapos ng taimtim na panalangin ay sumunod naman ang pakikipagusap namin sa ilan sa mga bata. 




            Kinausap namin ang ilan sa mga bata at tinanong kung ano ang mga pangarap nila sa buhay. Marami sa kanila ay mga pangkaraniwang pangarap lang ang gusto, tulad ng maging doktor, pulis, sundalo, at kung anu-ano pa.




       Tunay naman na nakakaawa ang mga batang ito sa unang tingin palang, gusgusin, sira-sira ang damit, at ilan pa sa kanila ay mga sakit tulad ng sore eyes at iba't ibang sakit sa balat.



       Pero sa kabila ng mga bagay na iyon ay makikita mo pa rin sa kanilang mga mukha ang saya habang kinakausap namin sila at binigyan ng ilang papel na masasagutan at makukulayan.





          Pagkatapos naming makipagusap at magpasagot ng ilang papel ay ginawa na namin ang mismong kailangang gawin para sa aming adbokasiya at yun ay ang magpakain sa mga bata.





            Matapos ang pagpapakain, pakikipagkwentuhan, at pagpapasagot ng ilang activities sa papel ay kinailangan na namin magpaalam. Kami ay lubos na nagpasalamat sa mga magulang at sa mga bata na galak na galak na sumali sa aming munting programa sa kanilang lugar.



         Nawa'y matutunan ng mga tao na imbis na bigyan ng pera ang mga batang namamalimos ay bigyan na lamang nila ng mailalaman sa mga kumukulong tiyan ng mga bata. Malaman rin sana ng mga tao na ang pagbibigay limos sa mga bata labag sa batas. Nakasaad ito sa Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law. Ayon sa batas na ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang magpalimos o ang manlimos. Saklaw ng batas na ito ang mga taong namamalimos, nagpapalimos at ang mga taong ginagawang hanapbuhay ang pamamalimos tulad ng mga sindikato at mga magulang  o kamag-anak ng mga batang ginagamit sa pamamalimos. 


         "Ano ang parusa sa nagbibigay limos?"
         Ang sinumang tao na magbibigay limos ay magbabayad ng hindi hihigit sa P20.00 sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas na ito.

          "BENTE PESOS LANG PALA EH...."
          Maaaring natatawa kayo sa parusang ipinapataw sa mga namamalimos sapagkat bente pesos lang ito. Ngunit kung iisipin mo, ang batas na ito ay ginawa pa sa panahon ni Marcos at ang bente pesos noon ay isang malaking halaga na. E di lalo na sa parusang P500 o P1000 para sa mga namamalimos. Huwag sana nating tingnan ang halagang ito kundi ang layunin ng batas. 

           Isipin na lang natin lahat na, WALANG NAMAMALIMOS KUNG WALANG NAGPAPALIMOS. Kung hindi tayo nagbibigay ng limos, nakasunod na tayo sa batas, natulungan pa natin ang ating kapwa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento